walastik, hanep kung pumitik
muntik nang madukot ang phone ko sa bag ko! taena talaga! kasalukuyan akong kumukuha ng pamasahe ng may naramdaman ako sa loob ng bag ko.. buti na lang at hindi nya naman nakuha.. pagkatapos nun ay sa kanya ko pa talaga inabot ang pamasahe ko at sinabi ko "maraming salamat po" sabay ngiti.. sasabihan ko sana sya ng "God bless you po" pagbaba ko kaso wag na lang..pagkabayad ko eh bumaba na agad ako ng jeep.. nakakatakot na nakakainis na pangayayari..
nakakaawa na lang talaga ang mga taong desperado na para makamit ang isang bagay ay kailangan nilang daanin ito sa isang masamang paraan.. sabi nga nila matatanda na yan at alam na nila ang ginagawa nila..pero hindi ba't yun na nga ang mas masakit dun, alam nila na mali ang gingawa nila pero ginagawa pa rin nila ito na para bang wala na silang ibang paraan pa..pagkatapos pag andyan na ang kapalit ng kasamaan eh sasabihin nila na wala na talaga silang alam kundi ang magnakaw na lang o kaya wala silang choice, gusto lang naman nila kumita ng pera blah..blah.. badtrip!



0 comments:
Post a Comment