31 October 2006

sos

i said i wanted this to last a bit longer and here he goes asking me and wishing to God for us to be like FOREVER!

waaaahaaat!

should i believe him? is he really ready for this? does he know what does forever mean? or maybe he was just carried away by the situation...i dont know! somebody help me! im confused and im scared....

29 October 2006

kung bakit ako nawala

sir dan almost broke my heart...
buti na lang ok na ang lahat..whew..

at sugod na ko sa baguio, umaga pagkatapos ng huling kagimbal-gimbal na gabi na kasama si daniel..haaay.. pero favorite ko pa rin ang linyang " hindi ito ang mapa ng pasig river" helo? haha..sori naman sir hindi kasi masyadong obvious na pasig river yan.. isa lang syang crooked line na may nakalagay na manila bay sa umpisa at marikina river sa isang end..haay...

saka na lang ang details ng baguio trip.. ayokong mag-isip.. haaayyy.. but generally, masaya naman, sobra actually..para kaming tanga lahat..

graduate na ba talaga ko? isa ko pang tanong yan sa sarili ko.. anong mangyayari sa kin?

05 October 2006

walastik, hanep kung pumitik

muntik nang madukot ang phone ko sa bag ko! taena talaga! kasalukuyan akong kumukuha ng pamasahe ng may naramdaman ako sa loob ng bag ko.. buti na lang at hindi nya naman nakuha.. pagkatapos nun ay sa kanya ko pa talaga inabot ang pamasahe ko at sinabi ko "maraming salamat po" sabay ngiti.. sasabihan ko sana sya ng "God bless you po" pagbaba ko kaso wag na lang..pagkabayad ko eh bumaba na agad ako ng jeep.. nakakatakot na nakakainis na pangayayari..

nakakaawa na lang talaga ang mga taong desperado na para makamit ang isang bagay ay kailangan nilang daanin ito sa isang masamang paraan.. sabi nga nila matatanda na yan at alam na nila ang ginagawa nila..pero hindi ba't yun na nga ang mas masakit dun, alam nila na mali ang gingawa nila pero ginagawa pa rin nila ito na para bang wala na silang ibang paraan pa..pagkatapos pag andyan na ang kapalit ng kasamaan eh sasabihin nila na wala na talaga silang alam kundi ang magnakaw na lang o kaya wala silang choice, gusto lang naman nila kumita ng pera blah..blah.. badtrip!

  © Blogger template 'A Click Apart' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP